
Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Panalo na naman si Pacman. Natitiyak kong magkakaroon na naman ng isang bonggang bonggang pagsalubong sa kanya. Natitiyak kong marami na namang pulitiko ang magkukumahog na maikabit ang mga pangalan nila kay Pacman. Napakaswerteng tao.
Sana katulad din ng kay Pacman ang suportang ibigay sa mga Pilipinong gumagawa ng pangalan sa larangan ng agham at teknolohiya. Sana katulad din ng kay Pacman ang respeto at paghangang ibigay sa mga Pilipinong nagkamit ng karangalan sa ibang bansa hindi man sa larangan ng boksing. Sana magising ang mga kinauukulan sa pamahalaan na ang respeto at pambansang identidad ay hindi lamang tangan ng isang Emmanuel Pacquiao.
The Philippines is not about Pacquiao alone. This country boasts of so many resources. There’s more about the Philippines other than Pacman.
Nakatutuwa at nakakainis ang pananaw ng maraming Pilipino. Nakatutuwa na kinikilala nila ang “unifying factor” ni Pacman sa buong sambanayan. Nakakainis lang na nawawala ang konteksto ng kwento ni Pacman - isang tipikal na Pilipinong nagpumilit na maiangat ang sarili at ang pamilya sa kahirapan, nasumikap na napagtagumapayan ang mga hamon at dagok ng buhay. Subalit hindi ito ang nagiging palagay ng karamihan. Makakarinig na lamang ng mga komentong: “Anak, magboksing ka nalang. Tingnan mo si Pacquiao, mayaman na.”
Naidagdag ko rin na nung minsang masungkit ni Alcano ang kampeonato sa billiards ilang taon na ang nakaraan, ibinandera ng isang mumurahing pahayagan na hindi pumapasok ng klase si Alcano the volcano kundi sumasabit siya sa mga bilyaran. Anong klaseng pagmamatwid ang ginagwang ito? Para bang sinasabi na kung hindi siya nagluko sa pag – aaral ay hindi siya magtatagumpay sa kanyang pagbibilyar. Maswerte lamang ang mga katulad nila Pacquiao. Sa dinami – dami ng mga tao sa mundo, sila ang “hinirang” upang yumaman at sumikat sa maikling panahon. Pero ang sabi ko nga, ilan lamang sila. Ilang milyon ang mga Pilipinong naghihikahos sa buhay? Sinasabi ng marami na tutulungan sila ni Pacquiao. Sa muli, bumabalik tayo a diskurso ng “mendicancy” o ang kaisipang paglilimos o bail - out. Nakakalungkot ang ganitong takbo ng diskurso.
1 komento:
nku sir para skin d n dapt png mag bnyi ng sbra ky pacman kz alm qng pag gagstsan n nman n pangulng gloria c pacman hay nku ewan hiraf e xplain
Mag-post ng isang Komento