Bida na naman ang mga pulitiko.
Nakakapagod nang subaybayan ang episode ng mga drama ng mga pulitikong ito. May kung ilan taon na ring laman ng media ang bawat basurang lumalabas sa mga bibig nila. Ang tanong nagbago ba ang buhay ng mga Pilipino? Naghuhumiyaw pa rin sa mga resulta ng sarbey ang kahirapan ng maraming Pilipino!
Taong 2000, todo suporta ako sa mga protesta laban kay Erap. Naging laman din ako ng EDSA. Napakinggan ko rin ang makabagbag damdamin talumpati ni Bong Revilla laban sa kanyang Ninong Erap. Inisip ko noon obligasyon ko bilang iskolar ng bayan at mag - aaral ng pamantasang hirang ang lumahok at mapabilang sa mga sumisigaw ng PAGBABAGO at KATOTOHANAN. Drama lang pala ang lahat. Labo – labo na ulit. ANG DEMONYO NOON AY ANGHEL NA NGAYON. AT ANG TAKDA NOON AY TADAKLAN NA NGAYON.
Masisisi ba ako kung naging ganito ang pananaw ko? Tawagin niyo na akong apathetic. Hindi rin naman kalabisang sabihin na marami na rin ang may ganitong pananaw. Hindi lang umaabot sa electronic platforms dahil marahil sa kawalan ng access sa Internet!
ZTE Broadband deal? Ang agawan sa komisyon ng mga masisibang opisyal ng gobyerno! Idagdag pa ang mga kamag – anak nila.
Fertilizer Scam? Ang dahilan ng panghihimutok ng ibang pulitiko dahil sa na-wais-an sila ng ibang pulitiko! Nakagawa ng pera sa ilalim ng butas ng ilong nila.
Cha - cha? Abay ewan ko! Eh ano ngayon kung gusto ni GMA humaba ang kanyang termino? Para namang magiging 360 degrees ang magiging pagbabago sa Pilipinas kung iba na ang nakasalampak sa upuan ng pangulo!Pakialam ko kung naka- seatbelt si GMA sa silya niya. Kesehodang economic provisions, political provisions kahit pa yung language provisions ng Konsti ang baguhin, keber! Nasisiguro kong kagaya ng eleksyon, ang pagpanig sa isyu ay WALA ring maidudulot na mabuti kundi sakit ng kalooban at patang katawan. Sapat na sa akin na hindi nila ipagbawal ang paghinga.
Nakakiritang isipin na noong 1998 ay magkasama sina JDV at GMA laban kay Erap at Edong. (Ikinagalit ito ni Tito Sotto na umasang magiging vice presidential candidate ni GMA.) Ngayon, ang dating nilalanggam na pagsasama nina GMA at JDV ay naging simpait ng buto ng punong mahogany. Kulang na lamang ay inuman ng Cortal para tuluyang maagas. Bakit nag – iba ng linya si JDV? Bakit pumuputak na siya ngayon ng mga sintonadong awitin?
Bumalikwas si JDV upang saklolohan ang kanyang anak na hinayang na hinayang sa dapat sana’y kikitain niya sa mga Tsino. Siguro binabangungot siya gabi – gabi dahil sa panghihinayang. Sino pang binubola nila na kunyari ay di na nila kayang batahin ang korupsyon sa pamahalaan? Kung totoo ang drama nila, bakit ngayon lang? Bakit pinalampas pa ang ilang taon bago isiniwalat ang tungkol sa diumano’y maantang transaksyon nina GMA, et al.? O baka naman hindi pa nila alam na ilalaglag sila sa bandang huli kaya nagsurut – surutan muna sila nung umpisa, di kaya?
Eh kung ganun ang kwento bakit ako makikilahok sa away ng mga gahaman sa salapi? Bahala na kung hindi ko pinakinabangan ang perang isinuka ng pamahalaan! Mas mahalaga sa akin ang maging matiwasay ang buhay ko at ng mga minamahal ko sa buhay.
Nakakasawa na rin kasi ang maging MAKABAYAN kung ang mas nakararami ay sa atin ay MAKABULSA! Masikip na ang mga liwasan sa rebulto nina J.P. Rizal at Andres Bonifacio para magdagdag pa ng isang rebulto.
Batid ko na may mga kilay na tataas! May mag – aakusang breakdown of social responsibilities. Pero sana suriin din ang kalagayan ng Pilipinas at yung kalagayan ng mga simpleng mamamayan. Mainam ang pagkilos para sa mga taong may tagasalo ng mga obligasyong pampamilya. Ako kasi kakaunti lamang ang panahon ko para sa mga “makabayang” usapin.
Pilipino/ Filipino pa rin ako. Tumatayo pa rin ako nang tuwid sa tuwing tinutugtog ang “Lupang Hinirang.” Kilala ko pa rin ang mga bayani ng bansang ito. Kabisado ko pa rin ang mga institusyong panlipunan ng Pilipinas. Napakakitid ng batayan ang mga ito upang mabansagang “makabayan.”
Gayunpaman, hindi ko rin bibilhin ang mga ipinapanukala ng mga “rebolusyunaryo” na iparating/ ipakita sa lansangan ang pagiging makabayan. Kung yan lamang ang natitirang paraan ng pagpapakita ng pagiging makabayan, hahayaan ko na lamang na mabansagang akong dayuhan sa sariling bayan.
Sa ganang akin, anuman ang nagawa ko ngayon, anuman ang nakamit kong katiwasayan sa pamumuhay ay hindi ko kailaman naging utang o utang na loob sa mga pulitiko. At kahit kailan hindi sila magiging bahagi nito. Kung nakinabang man ako sa mga patakarang makro ng pamahalaan, ang pagpupunyagi at pamumuhunan ko pa rin ang nag – iisang susi sa pagtamo ng mga ito.
Nakakairita na rin na sa bawat pagkiling at pakikinig sa mga isyu tungkol sa korupsyon, may mga pulitikong sumisikat at mga personalidad ng kumukita. Nakakasawa rin ang magpagamit. Mahirap mangarap para sa buong sambayanan. Kaya mangangarap muna ako para sa sarili ko. Ayon sa lyrics ng kantang “Greatest Love of All”: Learning to love yourself is the greatest love of all.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento