Marky Cielo committed suicide, this is what some news insiders told me. This is the truth about Marky Cielo’s death. And what supports the claim that Marky Cielo committed suicide? Read on.
His mother made hints during her interview in GMA’s Startalk last weekend, saying words that “kailangang pangatawanan ang ginagawa,” “sana patawarin ka ng Diyos sa inyong ginawa,” solving a problem and moving on. Rumor has it that the late young actor Marky had a heart to heart talk with his mother, prior to his death.
Another fact, people from 168 Internet Café in Tomas Morato claimed that they saw or heard the actor crying while speaking on his phone.
Other sources also reported that Marky Cielo told Philippine Movie Press Club members during the last Star Awards for Television that he’s Christmas is going to be lonely. The actor was clearly emotionally down, he even told his younger brother that he’s about to die.
The news was “tweaked” according to some sources to protect the family and of course the image of the late young star.
Reliable sources who actually went to Marky Cielo’s wake learned that the actor did (supposedly) commit suicide by hanging himself This perhaps justifies Marky’s turtleneck top. And what was the reason for the suicide? Love. Marky was, according to rumors dumped by the woman she loves. Who is that woman? We’ll reveal later on.
MANILA, Philippines - The Philippine Entertainment Portal on Sunday reported that it received a confirmed report that young actor Marky Cielo died at dawn Sunday. He was 20 years old.The report said the cause of death is not yet clear. An initial report says that Marky died in his sleep. His mother went up to his room in their house in Antipolo City around 6 a.m. to wake him up for a charity event. But he never woke up.GMA 7 issued the following statement past 4 p.m. Sunday on the death of Cielo."Bandang alas 10 kaninang umaga sa Antipolo Doctors Hospital ay idineklarang dead on arrival ang young actor at Starstruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo. "Ayon sa paunang salaysay ng kanyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad niya itong isinugod sa ospital. Sa ngayon ay hinintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon sa sanhi ng pagpanaw ni Marky Cielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kanyang pamilya.Tubong Mountain Province at may lahing Igorot si Marky Cielo, at itinanghal na Sole Survivor sa Season 3 ng Starstruck. Hinangaan siya sa kanyang husay sa kanyang pag-arte at pagsayaw. Huli siyang napanood sa Startok, SOP, at La Lola. Siya rin ang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health. Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na to sa kanilang buhay."Marky was a product of GMA-7's StarStruck Batch 3, where he won as the "Ultimate Sole Survivor." He was the first Igorot from Baguio City to join the popular reality-based artista search. Among his batchmates were Iwa Moto, Jackie Rice, and Gian Carlo.After winning in StarStruck, he appeared in several GMA-7 shows which included Encantadia, Fantastikids, Bakekang, Asian Treasures, Boys Next Door, Kaputol ng Isang Awit, and Codename: Asero. But he was best known as Zaido Green in Zaido: Pulis Pangkalawakan.He was also a mainstay of the musical-variety show SOP and in the primetime series La Lola.Marky, who is also known for his dancing prowess, grew up in Butuan City but his family moved to the north.His remains now lies at St. Peter's Chapel in Quezon City.
Ang batayan ng paksang pangungusap batay sa kung ano ang layunin ng teksto. Ang pangunahing tema sa anumang tekstong ekspositori Ang sikat/ init ng araw ay pwedeng pagkunan ng kuryente. Ang tubig ay binubuo ng dalawang molecules ng Hydrogen at isang molecule ng Oxygen Bawal maghanda ng manok kapag Bagong Taon dahil lilipad ang swerte. Faktwal na kaisipan o pahayag na hindi na mapapasubalian at samakatwid ay tinatanggap na ng lahat. Implikasyong mahahango sa isang binasang teksto Kaakit – akit ang mga dalaga sa Pilipinas. Kakayahang tukuyin ang isang bagay na hindi pa alam batay sai lang clues (inferensing) Mas mahusay na boksingero si Ricky Hatton kaysa kay Manny Pacquiao Mas masaya magdiwang ng Pasko sa lunsod. Paggawa ng akyureyt na hula kung ano ang kasunod na mangyayari o maging ang kalalabasan o wakas (prediksyon) Pahayag ng isang tao hinggil sa isang paksa batay sa kanyang paniniwala at prinsipyo Pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso na batay sa isang binasang teksto Produkto ng Starstruck si Marky Cielo. Si Andres Bonifacio ay unang pangulo ng ng Pilipinas. Si Dingdong Dantes ang pinakaseksing lalaki sa balat ng lupa. Tumambling muna ang MV Princess of the Stars bagong lumubog kaya ito nakataob sa dagat. Tumutukoy sa kung ano ang naging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto. Tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa. Tumutukoy sa punto de vistang ginamit ng awtor sa teksto Tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay
Mabuhay ang sambayanang Pilipino! Panalo na naman si Pacman. Natitiyak kong magkakaroon na naman ng isang bonggang bonggang pagsalubong sa kanya. Natitiyak kong marami na namang pulitiko ang magkukumahog na maikabit ang mga pangalan nila kay Pacman. Napakaswerteng tao.
Sana katulad din ng kay Pacman ang suportang ibigay sa mga Pilipinong gumagawa ng pangalan sa larangan ng agham at teknolohiya. Sana katulad din ng kay Pacman ang respeto at paghangang ibigay sa mga Pilipinong nagkamit ng karangalan sa ibang bansa hindi man sa larangan ng boksing. Sana magising ang mga kinauukulan sa pamahalaan na ang respeto at pambansang identidad ay hindi lamang tangan ng isang Emmanuel Pacquiao.
The Philippines is not about Pacquiao alone. This country boasts of so many resources. There’s more about the Philippines other than Pacman.
Nakatutuwa at nakakainis ang pananaw ng maraming Pilipino. Nakatutuwa na kinikilala nila ang “unifying factor” ni Pacman sa buong sambanayan. Nakakainis lang na nawawala ang konteksto ng kwento ni Pacman - isang tipikal na Pilipinong nagpumilit na maiangat ang sarili at ang pamilya sa kahirapan, nasumikap na napagtagumapayan ang mga hamon at dagok ng buhay. Subalit hindi ito ang nagiging palagay ng karamihan. Makakarinig na lamang ng mga komentong: “Anak, magboksing ka nalang. Tingnan mo si Pacquiao, mayaman na.”
Naidagdag ko rin na nung minsang masungkit ni Alcano ang kampeonato sa billiards ilang taon na ang nakaraan, ibinandera ng isang mumurahing pahayagan na hindi pumapasok ng klase si Alcano the volcano kundi sumasabit siya sa mga bilyaran. Anong klaseng pagmamatwid ang ginagwang ito? Para bang sinasabi na kung hindi siya nagluko sa pag – aaral ay hindi siya magtatagumpay sa kanyang pagbibilyar. Maswerte lamang ang mga katulad nila Pacquiao. Sa dinami – dami ng mga tao sa mundo, sila ang “hinirang” upang yumaman at sumikat sa maikling panahon. Pero ang sabi ko nga, ilan lamang sila. Ilang milyon ang mga Pilipinong naghihikahos sa buhay?Sinasabi ng marami na tutulungan sila ni Pacquiao. Sa muli, bumabalik tayo a diskurso ng “mendicancy” o ang kaisipang paglilimos o bail - out. Nakakalungkot ang ganitong takbo ng diskurso.
Ipagbunyi natin ang pananlo ni Pacquiao. Ipanbunyi natin ang karangalan at pagkilalang bitbit niya para sa ating bansa. Per sana huwag tayong makakalimot na ang pagbubunyi para kay Pacquiao ay panandalian lamang. Haharapin pa rin natin ang mga seryosong suliranin ng buhay. SIGURADO AKONG HINDI ISANG PACQUIAO ANG MAKAPAGBIBIGAY NG SOLUSYON.
Nakakapagod nang subaybayan ang episode ng mga drama ng mga pulitikong ito. May kung ilan taon na ring laman ng media ang bawat basurang lumalabas sa mga bibig nila. Ang tanong nagbago ba ang buhay ng mga Pilipino? Naghuhumiyaw pa rin sa mga resulta ng sarbey ang kahirapan ng maraming Pilipino!
Taong 2000, todo suporta ako sa mga protesta laban kay Erap. Naging laman din ako ng EDSA. Napakinggan ko rin ang makabagbag damdamin talumpati ni Bong Revilla laban sa kanyang Ninong Erap. Inisip ko noon obligasyon ko bilang iskolar ng bayan at mag - aaral ng pamantasang hirang ang lumahok at mapabilang sa mga sumisigaw ng PAGBABAGO at KATOTOHANAN. Drama lang pala ang lahat. Labo – labo na ulit. ANG DEMONYO NOON AY ANGHEL NA NGAYON. AT ANG TAKDA NOON AY TADAKLAN NA NGAYON.
Masisisi ba ako kung naging ganito ang pananaw ko? Tawagin niyo na akong apathetic. Hindi rin naman kalabisang sabihin na marami na rin ang may ganitong pananaw. Hindi lang umaabot sa electronic platforms dahil marahil sa kawalan ng access sa Internet!
ZTE Broadband deal? Ang agawan sa komisyon ng mga masisibang opisyal ng gobyerno! Idagdag pa ang mga kamag – anak nila.
Fertilizer Scam? Ang dahilan ng panghihimutok ng ibang pulitiko dahil sa na-wais-an sila ng ibang pulitiko! Nakagawa ng pera sa ilalim ng butas ng ilong nila.
Cha - cha? Abay ewan ko! Eh ano ngayon kung gusto ni GMA humaba ang kanyang termino? Para namang magiging 360 degrees ang magiging pagbabago sa Pilipinas kung iba na ang nakasalampak sa upuan ng pangulo!Pakialam ko kung naka- seatbelt si GMA sa silya niya. Kesehodang economic provisions, political provisions kahit pa yung language provisions ng Konsti ang baguhin, keber! Nasisiguro kong kagaya ng eleksyon, ang pagpanig sa isyu ay WALA ring maidudulot na mabuti kundi sakit ng kalooban at patang katawan. Sapat na sa akin na hindi nila ipagbawal ang paghinga.
Nakakiritang isipin na noong 1998 ay magkasama sina JDV at GMA laban kay Erap at Edong. (Ikinagalit ito ni Tito Sotto na umasang magiging vice presidential candidate ni GMA.) Ngayon, ang dating nilalanggam na pagsasama nina GMA at JDV ay naging simpait ng buto ng punong mahogany. Kulang na lamang ay inuman ng Cortal para tuluyang maagas. Bakit nag – iba ng linya si JDV? Bakit pumuputak na siya ngayon ng mga sintonadong awitin?
Bumalikwas si JDV upang saklolohan ang kanyang anak na hinayang na hinayang sa dapat sana’y kikitain niya sa mga Tsino. Siguro binabangungot siya gabi – gabi dahil sa panghihinayang. Sino pang binubola nila na kunyari ay di na nila kayang batahin ang korupsyon sa pamahalaan? Kung totoo ang drama nila, bakit ngayon lang? Bakit pinalampas pa ang ilang taon bago isiniwalat ang tungkol sa diumano’y maantang transaksyon nina GMA, et al.? O baka naman hindi pa nila alam na ilalaglag sila sa bandang huli kaya nagsurut – surutan muna sila nung umpisa, di kaya?
Eh kung ganun ang kwento bakit ako makikilahok sa away ng mga gahaman sa salapi? Bahala na kung hindi ko pinakinabangan ang perang isinuka ng pamahalaan! Mas mahalaga sa akin ang maging matiwasay ang buhay ko at ng mga minamahal ko sa buhay.
Nakakasawa na rin kasi ang maging MAKABAYAN kung ang mas nakararami ay sa atin ay MAKABULSA! Masikip na ang mga liwasan sa rebulto nina J.P. Rizal at Andres Bonifacio para magdagdag pa ng isang rebulto.
Batid ko na may mga kilay na tataas! May mag – aakusang breakdown of social responsibilities. Pero sana suriin din ang kalagayan ng Pilipinas at yung kalagayan ng mga simpleng mamamayan. Mainam ang pagkilos para sa mga taong may tagasalo ng mga obligasyong pampamilya. Ako kasi kakaunti lamang ang panahon ko para sa mga “makabayang” usapin.
Pilipino/ Filipino pa rin ako. Tumatayo pa rin ako nang tuwid sa tuwing tinutugtog ang “Lupang Hinirang.” Kilala ko pa rin ang mga bayani ng bansang ito. Kabisado ko pa rin ang mga institusyong panlipunan ng Pilipinas. Napakakitid ng batayan ang mga ito upang mabansagang “makabayan.”
Gayunpaman, hindi ko rin bibilhin ang mga ipinapanukala ng mga “rebolusyunaryo” na iparating/ ipakita sa lansangan ang pagiging makabayan. Kung yan lamang ang natitirang paraan ng pagpapakita ng pagiging makabayan, hahayaan ko na lamang na mabansagang akong dayuhan sa sariling bayan.
Sa ganang akin, anuman ang nagawa ko ngayon, anuman ang nakamit kong katiwasayan sa pamumuhay ay hindi ko kailaman naging utang o utang na loob sa mga pulitiko. At kahit kailan hindi sila magiging bahagi nito. Kung nakinabang man ako sa mga patakarang makro ng pamahalaan, ang pagpupunyagi at pamumuhunan ko pa rin ang nag – iisang susi sa pagtamo ng mga ito.
Nakakairita na rin na sa bawat pagkiling at pakikinig sa mga isyu tungkol sa korupsyon, may mga pulitikong sumisikat at mga personalidad ng kumukita. Nakakasawa rin ang magpagamit. Mahirap mangarap para sa buong sambayanan. Kaya mangangarap muna ako para sa sarili ko. Ayon sa lyrics ng kantang “Greatest Love of All”: Learning to love yourself is the greatest love of all.”
Ano sa Ingles sa galonggong? Alam niyo ba ang sagot? Hindi! Ang tambilawan kaya? Lalong hindi! Kaya di ko na itatanong kung alam niyo ang Ingles ng sapsap at tulisan?
Simpleng tanong para sa malalim na punto. Maraming sa atin ang nahuhumaling sa wikang Ingles. Lahat ay mistulang mga dagang nagnanais makasilo ng bagong salita, bagong ekspresyon, bagong kaanyuang dulot ng Ingles! Kaya nga tumatabo ng kita ang mga gumagawa ng diksyunaryo sa Ingles.
Maraming nagsasabi na Ingles ang passport para lumabas ng Pilipinas at magkamal ng salapi! Ingles ang kailangang para pumasok sa call center. Ingles ang kailangang upang mapasok ang worldwide web. Ingles ang kailangang para makabingwit ng Amerikang mag – aahon sa hirap at magdadala ng kakaibang ligaya na hindi kayang ibigay ng mga Pinay. SiPing ang kinabukasan.
Nakakaawa ang mga mag –aaral na Pilipino. Sa kagustuhan ng ilan na matuto ng wikang Ingles, isinasakripisyo ang pagkatuto ng Pinoy sa Matematika at Siyensya. Nakapagtataka lang na ang mga mauunlad na bansa sa Asya katulad ng Japan, Korea, at China ay itinuturo ang sayans at math sa kanilang mga estudyante sa kanilang sariling wika. Tanong lamang po. Sa paggawa ba ng kotse, Ingles ba ang ginagamit. Sa paggawa ng mga piniratang gamit na ibinibenta ng mga Tsinoy galing Taiwan, Ingles din ba ang gamit? Bakit tayo sa dito sa Pilipinas na mahusay sa Ingles kung ihahambing sa mga bansa ito ay lagare at kutsara ang naiimbento? Kahit tingnan niyo ang mga tindahan ng mga Tsinoy dito sa Kalibo, walang kayong makikitang paninda na yari sa Pilipinas. Lahat imported. Galing Tsina o Taiwan. Ang galing lang sa Pilipinas ay ang mga tindera at kargador nila. Bakit kaya nabuhay naman nang matiwasay ang mga Tsinong ito na hindi nga yata alam sabihin ang “My name is ___________________, native of _________________________. My celfone number is 09191434452”. Hindi ba kung hihingi tayo ng discount, calculator lang ang katapat. Hindi naman sila nalulugi. Parami pa nga sila nang parami. Nakatutuwa nga isipin na ang mga Pilipinong nagtapos ng Master in Business Administration o MBA na inaral sa wikang Ingles ang lahat ng sabjek ay nalugi pa sa negosyong bawang at sibuyas. Nag –Iingles yan ha.
Samakatuwid, hindi Ingles ang susi para maging industriyalisado ang bansang ito kundi ang malalim na pag – unawa at pagkatuto ng mga konsepto ng engineering at pagnenegosyo. Beybi, Inglesin mo nga yun!
Nag – aaral tayo ng Ingles para maging kompetitiv sa labas ng Piilipinas. Kompetitiv sa alin? Sa mga trabahong pang – atsay, pangtsimay, pangmutsatsa! Kalunos – lunos na ang paghahandang ginagawa ng gobyerno ay gawing domestic helper ang mga Pinay sa labas ng Pilipinas. Ito ba ang matatawag na kaunlaran?
Ang pagkakaunawa ko kasi, ang Ingles ay isang kasanayan at hindi isang kaalaman. Ginagamit ang Ingles upang ihatid at ibenta ang isang ideya sa isang nagsasalita ng Ingles.
Pero alam niyo minsan para tayong mga lasing. Bakit kaya ‘pag pinag – uusapan ang Filipino, palaging nauuwi sa usapin ng nasyunalismo. Sa muli, atin atin lamang ito. Huwag niyo na pong ipagsabi. Ang mga nagsasabi ng ganun ay kapos ang kaalaman! Sila yung mga hindi na tumanda sa kanilang pinag – aralan. O mas mainam sabihing walang pinagkatandaan.
Alam niyo rin kung ano pa ang mali? Lagi kasi nating ipinapasok ang sinabi ni Jose Rizal. Ano ba sinabi niya? “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Wow mga berks, hebigats!. Kay Rizal, ito lang ang masasabi ko: Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo!
Medyo korni na sa panahong ito ang linyang ito ni Rizal! Matagal nang patay si Rizal! Kaya unti – unti na rin nating patayin ang gasgas at gastadong linyang ito. Bitbit kasi nito ang usapin ng kung paano ba ang maging Pilipino. Lumalabas na kung hindi ka raw nagsasalita sa Filipino ay hindi ka Pilipino. Aba’y hindi yan totoo. I can speak the language of George W. Bush. I’m a Filipino in every sense of the word.. Pinoy ini! Sanay mag- Tibyog tibyog!
Wala pang titser sa Filipino ang nagsasabi sa akin na huwag pag – aaralan ang Ingles at magsalita sa Ingles. Katunayan, hinihimok kami na mag – aral at magsalita sa Ingles. Pero ang ilan sa atin, puro paninira ang sinasabi. Kesyo sa patuloy na pagsasalita sa Filipino, nasisira ang fluency sa Ingles. Kesyo nagiging baduy daw kami. Sabihin mo yan sa lelang kong panot!
Nakapagtataka lamang kasi na “Kamaan takun magKinaray – a kaja run”, Kabalo na ko maghambal it Hiligaynon subong. Te, suportahan niyo ko? Subalit “Antiguhan man gihapon ako maghambae it Inakeanon hasta makaron”. Puntong – Ibajay pa! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang unang wika ko – ang Aklanon! Kaya iniisip ko na puro kasinungalinang ang sinasabi nila. Siguro, hindi lang sila nagturo nang maayos at magpasahanggang ngayon, marami sa mga mag – aaral na Pilipino ang mahina sa Ingles. Kasalanan ba ‘yun ng wikang Filipino?
Mistulang may kompetisyon sa pagitan ng Filipino at Ingles – kung alin ang higit na kapaki – pakinabang, higit na sosyal, higit na mataas. Matyagan niyo lang na! Sa totoo lang, wala namang kompetisyon. Dapat tingnan natin ang dalawang wikang – ang Filipino at Ingles bilang mga instrumento ng pag – unlad ng ating naghihirap na bansang Pilipinas. Magkaagapay ang dalawang ito tungo sa ating kaunlaran. Nakakasira lamang sa usaping ito ay ang mga taong nabulag sa hiwaga at haraya ng Ingles.
Muli nating suriin ang ating nalalaman. Muli nating tuklasin ang ating mga kahinaan. Muli nating tingnan kung sapat ang ating kahandaan. Sa ganito lamang paraan magiging segurado tayo na tayo ay world – class.
Tulungan ninyo akong ikalat ang kaalamang ito. Tulungan ninyo akong itaas ang antas ng pag – unawa ng marami sa atin. Magsuri tayo. Magtulungan tayo. Maghawak – kamay tayo sa gawaing ito.
Sa dami ng sinabi ko, isa lang ang itatanong ko sa inyo. Alam niyo na ba ang Ingles ng sapsap at tulisan. Sagutin niyo ‘yan. Now na!